Nananawagan ang actress na si Angel Locsin at mga kasapi ng grupong Aktor (League of Filipino Actors) para sa mga donasyon upang matulungan ang mga naapektuhan matapos ang pag-landfall ng bagyong ‘Ulysses’.

Sa kanyang Instagram page, sinabi ng aktres na ang grupo ay nagbibigay ng tulong sa mga mamamayan bilang ganti sa pagtangkilik sa kanilang mga pelikula.

“Karamay ninyo po kami, sa anumang oras. Sa suporta’t pagmamahal na ibinigay ninyo po sa amin, hindi po namin kayo pababayaan,” sabi ng aktres.

Nais ng grupo na magkaloob ng donasyong face masks, malinis na tubig, gamot, kumot, damit, at de-lata.

Eleksyon

Philip Salvador, masayang number 1 sa boto 'beshy' na si Sen. Bong Go

-Bert de Guzman