Magkaaway ang charac­ters nina Kapuso Primetime King Dingdong Dantes at Neil Ryan Sese sa award-winning series na Descendants of the Sun PH, pero off-camera, magka­sundo sila, lalo na sa pagiging negosyante nila.

“Rivals on TV, but tag team and proud delivery boys in real life,” pahayag ni Dingdong or ‘Big Boss’ sa kanyang Instagram post.

Ipinakita ni Dingdong ang post niya nang mag-deliver sila ni Neil ng ibinibenta nitong seafood sa pamamagitan ng de­livery app na Dingdong PH.

“Happy to have delivered fresh seafood from K&GSeafood with Neil Sese today. #YouRing­ItWeBringIt.

Pagbabalik ni Sharon Cuneta sa kaniyang 'real heart'

Nagsimula na last September ang delivery business ni Ding­dong, na katuwang niya rito ang grupo ng mga displaced workers ng film at TV industry dahil sa pandemic, na nagsisilbing mga delivery riders.

Patuloy namang sinusub­aybayan ng mga netizens ang mga kapanapanabik na fresh episodes na ng DOTS PH gabi-gabi, 9:20PM sa GMA-7.

-Nitz Miralles