Ang isang pinagsamang pangkat ng mga dalubhasa na pinamunuan ng Department of Environment and Natural Resources ang nilikha upang siyasatin ang sinasabing quarrying operations sa paligid ng Mayon Volcano na maaaring sanhi ng mudflow o lahar sa panahon ng pananalasa ng super typhoon “Rolly” noong nakaraang linggo.
Hindi bababa sa 300 bahay ang nabaon at anim na residente ang napatay sa Guinobatan, Albay dahil sa nakamamatay na pag-agos ng putik.
Matapos niyang ipag-utos ang pagsuspinde ng mga aktibidad ng hindi bababa sa 12 quarrying operator sa paligid ng Mayon Volcano, inatasan ni DENR Secretary Roy Cimatu ang pagbuo ng isang composite team para iimbestigahan ang insidente.
Ipinunto ni Cimatu na ang pansamantalang pagsasara ng mga quarry site ay magbibigay ng panahon sa composite team upang suriin ang pagsunod ng mga operator sa quarrying regulations.
-Ellalyn V. Ruiz