Dinagdagan pa ng pamahalaan ng P7.4 bilyon ang Yolanda Permanent Housing Program (YPHP) upang makapagpatayo pa ng karagdagang pabahay para sa mga biktima ng super typhoon ‘Yolanda’ noong 2013.

Ito ang kinumpirma ni Cabinet Secretary Karlo Nograles sa pamamagitan ng kanyang Facebook Live video.

Paglilinaw ni Nograles, patuloy pa rin ang kanilang trabaho sa kabila ng coronavirus disease 2019 pandemic.

Si Nograles ay hepe ng Task Force Yolanda.

Probinsya

Binatilyong nanonood ng liga, patay matapos makuryente sa poste ng basketball ring

Aniya, aabot na sa 68 porsiyento ng kabuuang bilang ng housing units ang nakumpleto nila.

“Ang pinaka-target po namin, originally was 195,388 na housing units at so far, nakakumpleto na po kami 133,107 housing units,” sabi pa ni Nograles.

Argyll Cyrus Geducos