WALANG atrasan sa idaraos na eleksiyon sa Philippine Olympic Committee (POC) sa Nobyembre 27.

Kaugnay nito, pinalitan ni UP Pres. Danilo Concepcion si Valenzuela Rep. Eric Martinez, dating chairman ng House committee on sports and youth development, bilang isa sa tatlong iyembro ng Comelec.

Ang iba pang Comelec members ay sina Atty. Teodoro Kalaw IV at IOC honorary member Frank Elizalde.

Dalawang grupo ang naglalaban sa mga puwesto sa Executive Board: Ang kampo ni POC president Abraham “Bambol” Tolentino at ang pangkat ni Archery chief at dating GSIS head Clint Aranas. May 51 votes mula sa accredited National Sports Association, tatlo mula sa IOC member Mikee Cojuangco-Jaworski, at dalawang kinatawan mula sa Athletes Commission.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Ang mga kandidato sa tiket ni Tolentiino ay sina Tom Carrasco sa pagka-chairman; Al Panlilio sa first vice president; Richard Gomez sa 2nd vice president; Cynthia Carrion sa treasurer; Chito Loyzaga sa auditor; at Pearl Managuelod, Dave Carter, Butch Pichay at Dr. Jose Canlas sa board members.

Ang mga kandidato sa pangkat ni Aranas ay sina Steve Hontiveros (chairman), Philip Juico (1st vice pres.); Ada Milby (2nd vice pres.), Julian Camacho (treasurer), Monico Puentebella (auditor), at Robert Mananquil, Robert Bachman, Charlie Ho, Managuelod sa board members. Bert de Guzman