Nai-blacklist na ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang 30 na contractor dahil sa paglabag sa ipinatutupad na reporma laban sa korapsyon sa ahensya.

Ito ang naging tugon ni DPWH Secretary Mark Villar sa pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na talamak ang korapsyon sa mga proyekto ng naturang ahensya.

Paglilinaw ng opisyal, kaisa nila ang pangulo sa layunin nito upang mahinto ang korapsyon.

“Kami ay nagkakaisa sa layunin ng ating pangulo na tapusin ang korapsyon that’s why we’re taking it as a challenge to further institute reforms in the department. We will be more strict. To date, almost 30 contractors na ang na-blacklist namin ito po ay one of the highest of blacklisted contractors but we take the challenge of the President and we will continue to stop corruption,” aniya.

Padilla, kinuwestiyon kredibilidad ng ICC prosecutors: 'Nag-aaral ba kayo ng batas?'

Ipinagtanggol din ni Villar kanilang desisyon na kunin ang serbisyo ng mga banyagang manggagawa sa pagpapatupad ng mga infrastructure project sa bansa at sinabi kaya lamang nila itoi ginawa dahil sa kanilang kaalamang teknikal sa mga teknolohiyang bago sa ahensya.

Betheena Unite