Sawa at buwisit na si Pangulong Rodrigo Duterte sa bangayan nina Speaker Alan Peter Cayetano at Marinduque Rep. Lord Allan Velasco sa isyu ng liderato sa Kamara.

Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na ang pangunahing alalahanin ng Pangulo ay maipasa ang P4.5 trilyong national budget para sa 2021 kaya nagpatawag siya ng special session

Iginiit ni Roque na hindi nakikialam ang Pangulo sa kung sino ang hihiranging Speaker ng Kapulungan at sawang-sawa na siya sa pamumulitika sa Kamara.

“In principle, the President does not want to be involved in politics. ‘Natagam na ako.’ Natagam is the Visayan word for ‘Nadala na ako.’ That’s the verbatim statement of the President when he urged lawmakers to set aside politics,” ani Roque.

National

Sen. Imee sa sinabi ni Tiangco: 'Panahon na para ibasura ang impeachment ni VP Sara'

“Ayaw kong makialam sa pulitika sa Kamara. Natagam na ako. Ang importante ay maipasa ang budget.”

Sinabi diumano ng Pangulo na kailangang mapagtibay ang budget at kung ano mang gustong gawin o mangyari ng mga kongresista pagkatapos ng approval, ay sila na ang bahala.

“He is fed up because the politicking in the House is not stopping. Those who want to become Speaker just want power. How about the nation? He is not siding with anyone at this point. He just wants the COVID-19 budget passed,” sinabi ni Roque.

Bert de Guzman