NANGANGAILANGAN ng dasal at tulong pinansiyal ang pamilya ni Eduardo ‘Ed’ Ducut – isa sa role player ng never-say-die Ginebra sa unang taon ng kasikatan ng koponan ni PBA living legend Sonny Jaworski –sa dekada 80.

Ayon sa anak nitong si Eduardo III, nagmamaneho ang kanyang ama nang ma-stroke. Sa clinical abstract  ng mga doctor sa Floridablanca Doctors Hospital, umabot sa 220/110 ang blood pressure ng dating PBA player.

Binigyan naman ng ‘clearance’ ng mga doctor si Ducut  na mamalagi na lamang sa kanyang tahanan, ngunit kailangan ng dating Ginebra at Shell player ang oxygen equipment. Umabot umano sa P200,000 ang gastos sa unang araw ng pagkaospital ni Ducut.

"Wala naman pong maintenance si Papa. Mataas po BP niya. Meron po (history of high blood). Sinasabi lang po niya wala pero may nararamdaman po siya. Sila lola pop kasi high blood," ayon kay Eduardo III.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Sa mga nagnanais na maglaan ng tulong sa 63-anyos na si Ducut, maaring ipadala ang cash sa Security Bank ni John Eric B. Ducut (0000021935640).