Nagbukas ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng 44 na mga ruta at pinahintulutan ang 4,820 pang public utility jeepney (PUJ) units na mamasada sa Metro Manila.
Nabatid sa LTFRB, ang 27,016 traditional PUJs ay makakabiyahe na sa
302 binuksang mga ruta sa NCR na nasa ilalim pa rin ng general community quarantine sa kabila ng COVID-19 pandemic.
Ang pagbukas ng mga ruta ay batay sa Memorandum Circular 2020-058 na inisyu nitong Oktubre 10.
Ayon sa LTFRB, kabilang sa mga pinayagang bilang ng mga bibiyahe sa Metro Manila ay traditional public utility jeepney (PUJ), modern PUJ, public utility bus (PUB), point-to-point bus, UV Express, taxi, transport network vehicles services (TNVS), provincial public utility bus (PUB) at modern UV Express.
-Jun Fabon