NALUNGKOT ang mga fans ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera nang hindi na muna pumayag ang aktres na ituloy ang pagti-taping niya ng First Yaya na magtatampok sa kanila for the first time ni Gabby Concepcion sa GMA Network. Naintindihan naman nila si Marian at valid ang reason na dahil sa pandemya, takot siyang lumabas ng bahay dahil may dalawa batang anak sila ng husband na si Dingdong.

marian

Kaya natuwa ang mga fans nang ipasiya ng GMA muling ipalabas ang Temptation of Wife na sinasabing siyang pinakamagandang Philippine adaptation ng mga Koreanovelang ipinalabas dito. Bukod kay Marian, kasama rin niya sina Dennis Trillo, Glaiza de Castro at Rafael Rosell. Idinirek ito ni Dominic Zapata.

Ginampanan ni Marian ang role ni Angeline Santos na nagmahal sa kanyang asawa pero sinaktan lamang siya at pinagtaksilan. Plinano nina Dennis at Glaiza na patayin si Angeline at palalabasing nag-suicide ito, pero nabigo sila dahil buhay si Angeline, muling bumalik at nagsimulang magbagong buhay bilang isang mas matapang na babaeng handang maghiganti.

Relasyon at Hiwalayan

Rayver Cruz, todo-bigay kapag nagmahal

Magsisimula nang mapanood ang rerun ng Temptation of Wife ngayong Lunes, at 11:30AM bago ang “Eat Bulaga” sa GMA-7.

Nora V. Calderon