Simula ngayong Sabado, Oktubre 3, mapapanood na ang fresh episodes ng OFW documentary na Tadhana, hosted by Kapuso Primetime Queen Marian Rivera.

120468834_257674175522176_316164445795980932_n

Ipinakita ni Marian na work from home siya nang idirek siya ng asawang si Dingdong Dantes sa taping nito.

“May adjustment din akong ginawa sa pagtatrabaho ko mula sa bahay,” pahayag ni Marian sa interview sa kanya sa 24 Oras. “Siyempre, sanay ako na lumalabas ng bahay kapag nagtatrabaho. Pero this time, dito ako sa loob ng bahay namin ko halos ginagawa ang lahat ng trabaho ko. Kaya labis ang pasasalamat ko sa bumubuo ng Tadhanadahil naiintindihan nila ang desisyon kung huwag munang lumabas ng bahay.”

Tsika at Intriga

Ice Seguerra, natsikang buntis

Hindi ito first time ni Dingdong na idirek ang asawa at tumayo rin siyang host ng Tadhana noong naka-maternity leave si Marian last year nang magsilang kay Ziggy.

Ngayong Sabado, tampok sa Tadhana sina Katrina Halili at Jason Abalos sa episode na biktima si misis ng sexual abuse ng kanyang mister habang naka-lockdown. Kasama nila sa cast sina Arny Ross at Ali Khatibi. Napapanood ang Tadhana at 3:15 PM after Ika-6 Na Utos sa GMA-7.

Samantala, simula sa Lunes, October 5, mapapanood muli ang Pinoy adaptation ng K-drama na Temptation of Wifena tampok sina Marian, Dennis Trillo at Glaiza de Castro.

-NORA V. CALDERON