Muling pinuna ni Pangulong Rodrigo Duterte ang “very poor” na serbisyo ng telecommunication companies sa bansa.

Sa isang pahayag sa telebisyon nitong Lunes ng gabi, hiniling ng Pangulo sa mga telcos na pagbutihin ang kanilang serbisyo lalo na habang ang bansa ay naghahanda para sa pagbubukas ng klase sa susunod na buwan. Sinabi niya na ang mga mag-aaral ay dapat umasa sa mga gadget habang lumilipat sila sa alternatibong pag-aaral sa panahon ng pandemyang coronavirus.

“I don’t know how to go about this but may I just appeal to iyong mga telecommunications to --- can you --- can you do a better job? Is there life after this kind of service that you are delivering to the public?” tanong ni Duterte. Sinabi ng Pangulo na matagal nang nagreklamo ang mga Pilipino na hindi nakuha ang halaga ng kanilang pera mula sa mga serbisyo sa telco sa bansa.

-Genalyn Kabiling at Beth Camia
National

Atty. Melvin Matibag, nanumpa na bilang bagong NBI Director!