Binanatanng China nitong Huwebes ang United States sa isang mataas na antas ng pagpupulong ng UN dahil sa pagpuna nito sa coronavirus, sa pagdeklara ng kanyang envoy na, “Enough is enough!”

Dalawang araw matapos gamitin ni President Donald Trump ang kanyang taunang pagsasalita sa General Assembly upang atakehin ang China, mariing

pinuna ng kanyang ambassador to the United Nations na si Zhang Jun, ang pandaigdigang papel na ginagampanan ng US.

“I must say, enough is enough! You have created enough troubles for the world already,” sinabi niya sa pagpupulong ng Security Council tungkol sa pandaigdigang pamamahala na dinaluhan sa pamamagitan ng videoconference ng maraming pinuno ng estado.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

“The US has nearly seven million confirmed cases and over 200,000 deaths by now. With the most advanced medical technologies and system in the world, why has the US turned out to have the most confirmed cases and fatalities?” tanong niya.

“If someone should be held accountable, it should be a few US politicians themselves.”

Gamit ang parirala na madalas sabihin ng mga pinuno ng US sa China, sinabi ni Zhang na, “The US should understand that a major power should behave like a major power.”

Ang United States, wika niya, “is completely isolated.”

“It’s time to wake up,” sinabi niya sa mga pahayag na masigasig na sinuportahan ng kanyang Russian counterpart.

NASUKLAM

Ang US ambassador to the United Nations na si Kelly Craft, ay nagpahayag ng galit sa tono ng sesyon, na pinangunahan ng pangulo ng Niger, na si Issoufou Mahamadou.

“You know, shame on each of you. I am astonished and I am disgusted by the content of today’s discussion,” sinabi ni Craft.

“I am actually really quite ashamed of this Council -– members of the Council who took this opportunity to focus on political grudges rather than the critical issue at hand. My goodness.”

Si Trump sa kanyang talumpati nitong Martes ay humiling ng aksyon laban sa China para sa pagkalat ng “salot” ng COVID-19.

Noong una ay pinigilan ng China ang balita ng respiratory disease nang lumitaw ito noong nakaraang taon sa Wuhan at ang paunang payo nito ay minaliit ang mga panganib sa pagkalat ng sakit.

Kamakailan-lamang ay tinangka ng mga pinuno ng komunistang China na baguhin ang salaysay at palabasin na isa itong tagumpay sa pagtigil sa virus.

Ang tugon ni Trump sa pandemya ay lumitaw bilang isang pangunahing pampulitikang isyu habang inaasinta niya ang isang bagong termino sa halalan sa Nobyembre 3.

Agence France Presse