SAO PAULO (AFP) — Ang lungsod ng Manaus sa Brazil, na sinalanta ng pandemyang coronavirus, ay maaaring nagdusa ng napakaraming mga impeksyon na ang populasyon nito ay nakikinabang ngayon mula sa “herd immunity” ayon sa isang paunang pag-aaral.

Nai-publish sa website na medRxiv, inanalisa ng pag-aaral ang datos ng impeksyon na may pagmomodelo sa matematika upang tantyahin na 66 porsyento ng populasyon ang may mga antibodies sa bagong coronavirus sa Manaus, kung saan ang pagdaan ng pandemya ay magkasing bilis at magkasing bagsik.

Maaaring sapat ang mataas na bilang nito upang maabot ang threshold ng herd immunity, kung saan ang sapat na mga miyembro ng isang populasyon ay immune sa isang sakit na hindi na ito kumakalat nang epektibo, sinabi ng mga may-akda ng pag-aaral, isang pangkat ng 34 Brazilian and international researchers.

“The unusually high infection rate suggests that herd immunity played a significant role in determining the size of the epidemic,” isinulat nila sa pag-aaral, na hindi pa sumailalim sa peer review o pagrerepaso ng mga kapwa eksperto.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

“All signs indicate that it was the very fact of being so exposed to the virus that brought about the reduction in the number of new cases and deaths in Manaus,” sinabi ng coordinator ng pag-aaral, si University of Sao Paulo medical professor Ester Sabino, sa Sao Paulo State Research Support Foundation (Fapesp), na tumulong sa pagpondo sa pag-aaral.

Matatagpuan sa kagubatan ng Amazon, ang Manaus ay naging eksena ng mga nakakakilabot na imahe ng mga napunong ospital, mga mass grave at mga bangkay na nakasalansan sa mga refrigerator truck nang ang pandemya ay nasa rurok doon noong Mayo.

Ngunit biglang malaki ang ibinagsak ng dami ng mga namamatay sa lungsod ng 2.2 milyong katao sabmga nakaraang linggo, sa average na 3.6 na lamang bawat araw sa nakaraang 14 na araw.

Ang Manaus ay isa na ngayon sa mga lungsod na pinakamabilis ang muling pagbubukas mula sa lockdown sa Brazil, ang bansang may pinakamataas na bilang ng namatay sa buong mundo, pagkatapos ng United States, na may halos 139,000 katao ang namatay.

Kasama rito ang mga paaralan, negosyo, nightlife at ang sikat na opera house nito.

Gayunpaman, nagbabala ang mga eksperto sa kalusugan na ang pagtatangka upang maabot ang herd immunity ay isang mapanganib na landas para sa policy makers o mga gumagawa ng patakaran.

“Community immunity via natural infection is not a strategy, it’s a sign that a government failed to control an outbreak and is paying for that in lives lost,” tweet ni Florian Krammer, professor ng microbiology sa Icahn School of Medicine sa Mount Sinai Hospital sa New York.

Nagbabala ang iba pang mga eksperto na ang kaligtasan sa sakit sa virus ay maaaring maging pansamantala.

Nagrehistro ang Manaus ng 2,462 pagkamatay mula sa COVID-19.

Kung ito ay isang bansa, magkakaroon ito ng pangalawang pinakamataas na rate ng dami ng namamatay sa buong mundo, sa 100.7 pagkamatay bawat 100,000 populasyon.