Ibinunyag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na may nakita itong ilang indikasyon ng panganib sa pagpapatayuan ng Bulacan International Airport na pinondohan ng P736 bilyon.

“The multi-billion airport project is sitting on soft ground and the location is prone to frequent flooding,” babala ni Phivolcs director Renato Solidum.

Ang lugar aniya ay pangunahing nasasapnan ng buhangin at ang water table ay napakababaw.

Ipinaliwanag niya na “ang river environment” na ito ay nangangailangan ng special engineering interventions upang ang mga gusali at imprastraktura ay maging matatag sa mga panganib na dulot ng lindol o malakas na pag-ulan.

National

Usec. Castro sa umano’y ex-VP Leni vs VP Sara: 'Aksyon vs Bakasyon?'

“The area chosen for the project stands on tender ground susceptible to shaking and liquefaction, and the flooding remains a big concern because the project site is a part of Bulacan known to easily submerge in water during heavy rains,” aniya.

Inamin naman ng opisyal na ang lugar ay wala sa loob ng Valley Fault System na dumadaloy sa malaking bahagi ng Luzon landmass.

Binigyang-diin niya na para matuloy ang proyekto ay nangangailangan ito ng disaster risk reduction at business continuity protocols, kasama ng konstruksiyon ng angkop na drainage system.

-Fer Taboy