Nakapaloob sa konstitusyon ang kapangyarihan ng Pangulo ng bansa na magbigay ng clemency o pardon sa sinumang persons deprived of liberty (PDLs).

Ito ang nilinaw ni Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra kaugnay sa pagbigay ni Pangulong Rodrigo Duterte ng absolute pardon kay US Marine Lance Corporal Joseph Scott Pemberton, na nahatulan sa pagpatay sa transgender na si Jennifer Laude.

Iginiit ni Guevarra na walang mali sa desisyon ni Duterte dahil nasa diskresyon ito ng Pangulo.

Inulan ng mga puna at batikos ang paglaya at pag-uwi ni Pemberton sa United States, kabilang na mula kay Albay Representative Edcel Lagman na nagsabing ang paggawad ng pardon kay Pemberton ay hindi dumaan sa Board of Paroles.

National

Maza sa maritime drill ng PH, US, Japan sa WPS: ‘Mas lalo tayong nalalagay sa alanganin!’

Sinisilip din ni Lagman na hindi napagsilbihan ni Pemberton nang buo ang kanyang sentensya.

Sinabi ni Guevarra na naiintindihan niya ang punto ni Lagman at hindi naman padalus-dalos o pabigla-bigla ang pagbibigay ng pardon.

Beth D. Camia