IPINAHAYAG ng Vatican nitong nakaraang linggo na si Cardinal Luis Antonio Tagle, prefect ng Vatican’s Congregation for the Evangelization of Peoples, ay nasuring positibo sa COVID-19 sa kanyang pagdating sa Ninoy Aquino International Airport sa Pilipinas noong gabi ng Setyembre 10.
Kinumpirma ng press office ng Holy See ang balita sa Italian news media, at tiniyak na walang dapat ipag-aalala na maaari niyang mahawahan si Pope Francis, ayon kay Matteo Bruni, director ng press office.
“There is no concern that he could have infected Pope Francis, with whom he is very close, because the cardinal had his last meeting with the pontiff on August 29,” sinabi niya. Ang cardinal ay walang virus ng siya ay sinuri sa Vatican health and hygiene unit noong Setyembre 7.
“Therefore he was either infected in the 48 hours between that date and his departure for Manila or perhaps on the long flight from Rome to Manila where he arrived last evening (Roman time), September 10,” idinagdag ng Hoiy See press office.
Sinabi ni Caloocan Bishop Virgilio David, acting president ng Catholic Bishops Conference of the Philippines, na maaaring nakuha ni Cardinal Tagle ang COVID-19 sa airport o sa eroplano.
“He probably could not avoid being greeted by people, especially Overseas Filipino Workers who recognized him at the airport or inside the plane,” aniya.
Sinabi ni Bishop David na lumipad si Cardinal Tagle pauwi ng Pilipinas “for a brief summer break” at para bisitahin ang kanyang matatanda nang magulang sa
Imus, Cavite. Siya ay asymptomatic at ngayon ay sumasailalim sa 14-araw na quarantine, ayon dito.
Si Cardinal Tagle ang pinakabagong kilalang Pilipino na nahawahan ng COVID-19. Nitong Setyembre 15, ang Pilipinas ay mayroong 269,407 kumpirmadong mga kaso, na may 4,663 ang namatay at 207,352 ang gumaling.
Noong Setyembre 13, sinabi ng World Health Organization (WHO) na ang bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa mundo ay tumama sa isang bagong tala na 307,930 mga bagong impeksyon sa nagdaang 24 na oras. Ayon sa WHO, nakarehistro na ngayon ng higit sa 28 milyong mga kaso sa buong mundo, na may higit sa 917,400 na pagkamatay.
“It’s going to get tougher In October and November; we are going to see more mortality,” sinabi ni WHO Europe Director Hans Kluge.
Ang patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa buong mundo, lalo na sa Europe, ay isang bagay na labis na ikinababahala.
Ngunit inaasahan natin na bumubuti na ang larawan sa Pilipinas na nagtagumpay sa pagpatag ng kurba ng mga bagong kaso. Totoong nagpapasalamat tayo rito, isang resulta ng mga protocol ng gobyerno at suporta ng publiko sa kanila.
At nagpapasalamat kami na si Cardinal Tagle ay patuloy na hindi nagpapakita ng mga sintomas habang sumasailalim siya sa quarantine. Si Pope Francis ay nagpatuloy din na malaya sa impeksyon, sa kabila ng kanyang weekly audiences na binuhay niya pagkatapos ng anim na buwan. Ipinagdarasal natin na sila ay manatiling malusog habang ang mundo ay patuloy na nakikipaglaban sa pandemya ng COVID-19 pandemya.