Humarap sa pagdinig ng Kamara ang mga opisyal ng Commission on Higher Education (CHED) para hingin ang P50.9 bilyong budget para sa 2021.
Ang budget nito ngayong taon ay P47.9 bilyon kung kaya tumaas ito ng 6.39 porsiyento sa susunod na taon.
Paliwanag naman ni Deputy Speaker Dan Fernandez, dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic, nagkaroon ng epekto sa pag-aaral ng mga estudyante ang pandemya kung kaya mahalaga na maisulong ang flexible learning standards sa panahon ng tinatawag na “new normal.
“Yung mga estudyante, hindi maka-focus. Remember, we are not only ensuring the transfer of knowledge, but we are also trying to instill the discipline,” ani Fernandez.
Apela naman ni CHED Chairman Propero De Vera, dapat pag-aralang mabuti ang epekto ng teknolohiya sa flexible learning.
“Wala naman talagang expert dito. We are doing our best to learn as one. We have to make sure that best practices are replicated and worst practices are avoided,” dagdag pa ng kongresista.
Bert de Guzman