Umabot na sa kabuuang 174,039 overseas Filipino workers (OFWs) ang napauwi na sa bansa simula nang umpisahan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) repatriation efforts noong Pebrero 2020.

Ayon sa ulat ng DFA, sa nasabing kabuuan, 61,716 OFWs (35.46%) rito ay pawang sea-based habang 112,323 (64.54%) naman ay land-based.

Nitong linggo, umabot sa 9,671 OFWs mula sa iba’t ibang panig ng mundo ang nakauwi sa Pilipinas.

Nitong linggo, napauwi ng DFA ang mahigit 7,500 na kababayan mula sa nasabing rehiyon via 27 special commercial repatriation flights.

National

Palasyo sa umano’y FPRRD kidnapping: 'Purpose nito'y ibagsak ang imahe ng Pangulo!'

Labing-isa sa mga flight ay galing ng UAE, pito naman mula sa Saudi Arabia, apat sa Qatar, tatlo mula sa Bahrain, at tig-isa naman sa Kuwait and Oman.

Kaugnay nito, nagpaabot ng ayuda ang DFA sa isang cancer patient na dumating sa Manila sakay ng isang special commercial repatriation flight galingThailand noong Miyerkules.

Bella Gamotea