Nagpahayag ng suporta ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) para sa pagsasara ng mga sementeryo sa Oktubre 31 hanggang Nobyembre 2 bilang pag-iingat laban sa coronavirus disease.

“It is the need of the time. There is no need for the church to contradict this. Families and loved ones can honor the memory of the departed anytime, anywhere and offer their prayers for their eternal repose at home,” sinabi ni Rev. Fr. Jerome Secillano, executive secretary ng CBCP-Public Affairs Committee.

Nauna nang inihayag ng mga lungsod ng Maynila, San Juan, Pateros, Makati, Malabon, Marikina, at Parañaque ang pagsasara ng mga sementeryo simula Oktubre 31 hanggang Nobyembre 2, kung kailan tradisyunal na bumibisita ang mga sa libingan ng kanilang mga yumaong mahal sa buhay, bilang isang hakbang sa kaligtasan laban sa COVID-19.

‘Dasal lang’

National

Palasyo sa umano’y FPRRD kidnapping: 'Purpose nito'y ibagsak ang imahe ng Pangulo!'

Hinimok rin ni Secillano ang publiko na magkaroon ng mas malawak na pang-unawa at kahinahunan hinggil sa isyu. Paliwanag niya, hindi naman isang obligasyon na magtungo sa sementeryo tuwing Undas dahil ang mas mahalaga ay ang ipanalangin ang mga kaluluwa ng ating mga yumaong mahal sa buhay.

Payo niya, sa halip na magtungo sa mga sementeryo ay magdasal na lamang sa mga simbahan at parokya sa kanilang lugar.

“The most important thing here is for families and friends to pray for the departed. They can offer their intentions in Holy Masses. They can always go to their churches and then offer prayers for the dead and even in the confines of their own homes,” ani Secillano sa CBCP News post.

Sinabi ng pinuno ng Simbahan, ang CBCP na Undas Online ay isang kahalili para sa mga indibidwal na maghiling at mag-alay ng mga panalangin para sa kanilang yumaong mahal sa buhay.

Bawal ang ‘trick or treat’

Kaugnay nito, naglabas ang Valenzuela City ng Executive Order (EO) No. 2020-205 na ipinapasara ang mga sementeryo, columbarium, memorial park mula sa lungsod mula Oktubre 31 hanggang Nobyembre 3, at ipinagbabawal ang Halloween activities tulad ng “trick or treat”.

Nanawagan si Mayor Rex Gatchalin, sa mga residente na magpunta na lamang sa mga libingan pagkatapos o bago ang nakasaad na petsa ng pagbabawal upang maiwasan na magkahawaan ng virus.

Christina I. Hermoso, Orly L. Barcala, at Mary Ann Santiago