HANGAD ngayon ng pamahalaan na paunlarin ang kasalukuyang RapidPass system na nagbibigay sa mga front-liners ng madaling pagdaan at nag-e-exempt ng mga indibiduwal sa mga checkpoints.
Sa Resolution 70 na may petsang Setyembre 10, binigyan ng direktiba ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) ang RapidPass technical working group (TWG) upang i-reconvene at bumuo ng polisiya para sa mas pinaunlad na RapidPass system.
“For this purpose, this Enhanced RapidPass TWG shall be chaired by the DICT (Department of Information and Communications Technology) with the Department of Science and Technology, Department of the Interior and Local Government, Department of Trade and Industry, Department of National Defense, Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police, and such other agencies as may be necessary, as members,” mababasa sa resolusyon.
Noong Marso 27, inaprubahan ng IATF-EID ang paggamit ng RapidPass, isang virtual identification system na idinebelop ng Developers Connect.
Ang sistema, na nagpapahintulot ng mas mabilis na pagbiyahe gamit ang mga
QR codes,ay inilunsad noong Abril upang mabawasan ang mahahabang pila sa mga quarantine checkpoints nang ipatupad ang Luzon-wide enhanced community quarantine.
Sa resolusyon, itinalaga rin ng IATF-EID ang Department of Health bilang personal information controller matapos nitong amyendahan ang kasunduan sa pagitan ng pamahalaan at MultiSys Technology Corp. sa StaySafe.PH.
Pinahihintulutan din ng IATF ang paggamit ng GPS-function para sa mga contact tracers.
Ang StaySafe.PH ang opisyal na social-distancing, health condition-reporting, at contact-tracing system na tumutulong sa pagresponde ng pamahalaan sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
PNA