Nakataposna ng lock-in taping ng buong cast ng Descendants of the Sun PH kaya naihayag ni Kapuso Ultimate Star Jennylyn Mercado kung paano niya pinaghandaan ang pagbabalik-trabaho nila sa inaabangang Pinoy adaptation ng K-Drama.
Si Jen ang gumaganap na Dra. Maxine dela Cruz at katambal niya si Kapuso Primetime King Dingdong Dantesbilang si Big Boss.
“Una naming ginawa bago ang taping, nag-Zoom reading kami until the end of the episode para kasado na lahat,” kuwento ni Jen.
“We also made sure na nag-self-quarantine kami bago sumabak sa taping. Nag-sanitize rin kami ng lahat ng gamit na inimpake ko for ten days. Nagdala rin kami ng sariling food and snacks para makasigurong malinis ang lahat.”
Aminado rin si Jen na nanibago silang lahat sa pagti-taping sa new normal, pero doon daw niya nakilala nang husto ang kanyang leading man. Puring-puri niya si Dingdong.
“Napakabuti niyang tao, napakabait at napaka-professional. Kaya naman nagpasalamat ako na nakatrabaho ko siya. Kaya given the chance, gusto ko siyang makatrabaho muli. Noon, nakatrabaho ko siya ng dalawang beses si Dingdong bilang co-host ng StarStruck. Si Dingdong din ang host noong first batch ng talent search na nanalo ako” Kaya ngayon, excited na rin kaming mapanood muli ang Descendants of the Sun PH at makita ninyo kung paano kami nagtrabaho.”
Susunod na gagawin ni Jen, ang isa sa episodes ng drama anthology na I Can See You: Truly, Madly, Deadly with boyfriend Dennis Trillo and Rhian Ramos.
-NORA V. CALDERON