Hinarang ng mga kongresistang kabilang sa Makabayan bloc ang hinihinging P1.59 bilyong budget para sa 2021 ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) dahil sa pag-aakusa sa kanila ni Undersecretary Lorraine Badoy bilang mga komunista.
Sa pagdinig ng House committee on appropratiations, iginiit ng mga kongresista na kailangang mag-resign si Presidential Communications Undersecretary Lorraine Badoy dahil sa flag-tagging nito o akusasyon na sila’y komunista nang walang sapat na basehan.
Nag-isyu ng kanya-kanyang pahayag at pagkondena ang mga miyembro ng Party-list groups na Bayan Muna, ACT Teachers, Gabriela, at Kabataan laban kay Badoy.
Idinahilan ni ACT Rep. France Castro na ang suspensiyon at pagkabalam ng mga pagdinig sa PCOO budget ay kagagawan mismo ni Badoy.
“Badoy has no one else to blame except herself for the delay of the deliberations of the PCOO budget,” ang dismayadong pahayag ni Castro. Aniya, hindi nila papayagan ang isang undersecretary ng ahensiya ng gobyerno sa pagkakalat ng mga kasinungalingan na nagdudulot ng karahasan at banta sa aming buhay. “It’s no joke that red-tagging could ruin an individual or an organization. She has been continuously spreading fake news about us, the members of the Makabayan bloc, oppositionists like Vice President [Leni] Robredo, and progressive groups and individuals. We will not allow this to continue, especially now that they’ asking for their budget before this Congress,” pahayag nina Castro, Gabriela Rep. Arlene Brosas, Bayan Muna Rep. Carlos Zarate.
Bert de Guzman