Napakasaya ni United States Marine Joseph Scott Pemberton na pagbibigay ng absolute pardon sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte at maaaring sumulat ng isang liham sa pamilya ni Jennifer Laude bago siya palayain mula sa detensyon.
Tiniyak sa publiko ni Rowena Garcia-Flores, ang abugado ni Pemberton, sa hindi ilalayo sa bansa si Pemberton, at susundin ang lahat ng mga kinakailangang ligal bago siya umalis ng bansa.
Sinabi niya na nakausap na niya si Pemberton at “very happy” ito tungkol sa balita. Hindi raw niyaninaasahan na makakalaya si Pemberton mula sa detensyon sa linggong ito. Papayuhan din niya si Pemberton na magsulat ng liham sa pamilya Laude.
“He [Pemberton] is very sorry that these things happened,” ani Flores.
“I would like him to deliberate on what he will say so that he will not offend the Laude family,” dagdag niya. Sinabi ni Flores na “nagulat” siya sa desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na bigyan ang kanyang kliyente ng ganap na kapatawaran.
Sa panayam sa ANC nitong Martes, sinabi ni Flores na hindi siya personal na nag-aplay para sa anumang pardon mula sa Pangulo.
“I didn’t know that any was forthcoming or that anybody filed for pardon on his [Pemberton’s] behalf],” dagdag niya.
“I’m very thankful to our President for giving this pardon,” aniya pa.
Walang humimok
Samantala, sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra nitong Martes na walang sinumang humimok sa desisyon ni Pangulong Duterte na magbigay ng absolute pardon kay Pemberton. “I saw that the President’s decision to grant pardon to Pemberton was solely his own,” ani Guevarra. “No one prompted it,” dagdag niya. Sinabi ng kalihim na “granting executive clemency was the President’s constitutional prerogative.” Ayon kay Guevarra, maging si outgoing US Ambassador Sung Kim, na bumisita sa Malacanang nitong Lunes, ay hindi inasahan ang pardon ng Pangulo.
“The US ambassador arrived for his farewell call on the President. He seemed rather surprised when the President mentioned Pemberton’s pardon, and he thanked the President for it,” aniya.
-Noreen Jazul, Jeffrey Damicog at Beth Camia