Posibleng umabot ng hanggang P100 milyon ang premyo ng Grand Lotto 6/55 na bobolahin ngayong gabi.
Ayon kay Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO),
walang nakakuha ng jackpot sa huling bola nito na ginanap noong Sabado ng gabi at may winning combination na 41-16-36-43-19-34 at may jackpot prize na P97,600,636.20.
Gayunman, may isang lucky bettor na nagwagi ng second prize na P100,000 matapos na mahulaan ng tama ang limang numero ng winning combination.
Hinikayat naman ng PCSO ang publiko na tumaya sa lotto dahil baka sila na ang susunod na magiging milyonaryo.
Ang Grand Lotto ay binubola ng PCSO tuwing Lunes, Miyerkoles at Sabado.
Nauna rito, noong Huwebes ng gabi, nasolo ng isang taga-San Fernando, La Union ang P49.7 milyong jackpot prize ng Regular Lotto 6/42, na may winning six-digit combination na 03-11-06-19-33-10.
Mayroon ding 32 second prize winners na nagwagi ng tig- P24,000 bawat isa.
Ang 6/42 regular lotto ay binobola tuwing Martes, Huwebes at Sabado.
-MARY ANN SANTIAGO