INILABAS ng Philippine Sports Commission (PSC)ang listahan ng 18 sports kung saan may mga atletang Pinoy na sasabak sa qualifying meet para sa Tokyo Olympics.

Batay sa mga balita, layuning gawing isang isolated hub ang PhilSports complex para sa higit na pagtutuon ng atensiyon sa pagsasanay ng mga manlalaro.

Sinabi ni PSC chief of staff at Philippine Sports Institute national training director Marc Velasco, na may 80 atleta ang natukoy bilang Olympic hopefuls, kabilang ang 20 na kasalukuyang nagsasanay sa abroad.

Kabilang sa listahan ng sports ng PSC ang archery, athletics, aquatics (swimming), cycling, golf, gymnastics, judo, triathlon, weightlifting, boxing, canoe/kayak, karate, fencing, rowing, skateboard, table tennis, taekwondo at wrestling.

Mikee Cojuangco-Jaworski, chair ng Coordination Commission ng Brisbane 2032

-Bert de Guzman