Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) na natagpuang patay si dating Ozamiz City Councilor Ricardo “Ardot” Parojinog sa kanyang selda sa Ozamis City Police Office (OCPO) sa nasabing lungsod, kahapon ng umaga.

Sa paunang pagsisiyasat ng pulisya, nadiskubreng wala ng buhay si Parojinog sa loob ng selda nang gisingin sana ito ng cell guard dakong 6:00 ng umaga.

Dahil dito, iniutos na ni PNP chief Gen. Camilo Cascolan, ang imbestigasyon kaugnay sa naganap na insidente.

Inatasan na rin ni Cascolan si Police Regional Office-10 director Brig. Gen. Rolando Anduyan na agad na isailalim sa restrictive custody ang Ozamiz City Police chief at lahat ng pang-gabing pulis na naka-duty sa nasabing presinto kaugnay ng nasabing insidente.

National

Ofel, mas humina pa habang nasa vicinity ng Gonzaga, Cagayan

Si Parojinog ay dumating sa nasabing lungsod nitong Huwebes mula sa Maynila lulan ng Cebu Pacific kamakalawa upang dumalo sana sa arraignment ng kinakaharap na kasong illegal possession of firearms and explosives sa Regional Trial Court Branch 15 kahapon.

Ang nasabing dating konsehal ay kapatid ni dating Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog na napatay ng pulisya sa isang pagsalakay noong 2017.

Matatandaang isinasangkot sila ni Pangulong Rodrigo Duterte sa bentahan ng iligal na droga sa Northern Mindanao.

-FER TABOY