“HINDI ko po alam kung saan nanggagaling,” ito ang kaswal na sagot sa amin ng taga-Cornerstone Entertainment na management agency ni KC Concepcion tungkol sa tsikang buntis siya.

kc

Narinig na namin ito noong una pero dinedma namin, pero simula nitong Linggo hanggang kahapon ng madaling araw ay iisa ang tanong ng mga kaanak at kaibigan namin sa ibang bansa kung buntis nga si KC at si Piolo Pascual ang nakabuntis.

Sa totoo lang, napa- wow kami dahil kung totoo nga, e, di maganda dahil gusto naman talaga naming magkabalikan ang dalawa, ang kaso hindi naman totoo, so waley!.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Maging ang ina ng dalaga na si Sharon Cuneta ay natawa na lang din sa tanong sa kanya ng netizen tungkol sa panganay niya.

“Wala akong kaalam-alam. As God is my witness,” ang sagot ni Shawie sa tanong kung ikakasal na sina Piolo at KC.

At nabanggit nga ni Sharon na maraming naglalabasang ‘fake news; tungkol sa anak niya at sa aktor.

Sabi pa ng Megastar, “I do not know what is or has been going on, no one tells me and I don’t ask.”

Sa kabilang banda ay sinabi ni Sharon na mahal niya si PJ at naging magkaibigan sila noong sila pa ng panganay niya at sobrang bilib siya sa aktor pati sa anak nitong si Inigo na respectful at malambing sa kanya.

“I do not and will not have problem with Piolo at all in any area of my life or in our family. I love you PJ. Thank you for you love, respect and friendship. God bless you always,” mensahe nito sa aktor.

Wala namang reaction si KC tungkol sa sinabi ng ina kay Piolo at sa tsikang buntis siya.

Imbes na sumagot ay nag-post ang dalaga ng larawang nagsasampay siya na ang caption, “Buhay probinsya. Ano version mo?? #KCsSampayChallenge.”

Aliw ang ilang komento ng followers ni KC na si @simplymehai, “Wow buhay probinsiya but your hair tie is chanel! Deng!”

Mula kay @necievelasquez, “ala eh kagandang dilag naman nareng nagsasampay ng damit. heheh. I am a Batanguena. I am glad you enjoy buhay probinsya.

Oo nga naman!

-Reggee Bonoan