HATAW NA!

BALIK aksiyon na ang bayang karerista simula sa Linggo (Setyembre 6) sa Metro Manila Turf Club Inc. sa Malvar, Batangas.

Ipinahayag ng Philippine Racing Commission (Philracom) na ibinigay na ng Inter-Agency Task Force (IATF), sa pamamagitan ni Head Secretariat Kenneth Ronquillo, ang ‘go signal’ para sa pagbabalik ng horce-racing matapos ang mahigit anim na buwan na pagpapahinto sa lahat ng uri ng sports events bilang bahagi ng inilunsad na programa ng pamahalaan para maabatan ang hawaan sa coronavirus (COVID-19) pandemic.

SANCHEZ: Muling hihirit ang karera.

SANCHEZ: Muling hihirit ang karera.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Nilagdaan ng IATF ang kahilingan ng Philracom para sa pagbangon ng nalugmok na industriya matapos maibaba ang Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) status sa National Capital Region at kalapit na mga lalawigan tulad ng Batangas at Cavite nitong Agosto 18.

Pinayagan na din ng IATF ang pagbubukas ng Telebet at Off-Site Betting (OTB) sa mga lugar na nasa ilalim na nang General Community Quarantine (GCQ).

Sinabi ng Philracom na mahigpit nilang ipatutupad ang patuntunan at regulasyon na isinasaad ng IATF at Department of Health (DOH) sa pagsasagawa ng karera, gayundin sa mga stake races na nakatakda sa San Lazaro Leisure Park ng Manila Jockey Club sa Carmona, Cavite at Saddle and Clubs Leisure Park ng Philippine Racing Club sa Naic Cavite.

Bilang pagtalima sa 25 porsiyentong ‘crowd’ sa venue, ipinahayag ng Philracom na hindi muna pahihintulutan ang bayang karerista na personal na manood sa mga venues. Tanging ang mga racing clubs' employees, Philracom personnel, horse-owners, jockeys, trainers at special guests ang papayagan sa mga venues.

Gagamit din ang mga jockeys ng special face masks at eye gear, habang ang mga trainers at iba pang horse-racing personnel sa bawat stables ay kailangang gumamit ng hazmat suits at protective equipment.

“We will be strict in our enforcement of the health protocols set by the Department of Health, such as social-distancing, the wearing of face masks and shields, and the washing of hands,” ayon sa pahayag ng Philracom.

Isa ang horse-racing sa regulated sports industryna sanctioned din ng Games and Amusements Board (GAB)  na nagbibigya ng malaking buwis sa pamahaalan. Sa nakalipas na isang dekada, umabot na sa P1.3 bilyon ang naiambag na tax, kabilang ang kabuuang P1,352,930,422 sa nakaliaps na taon.

Magsisimula ang stakes races sa Sept. 13 sa ilalargang 3YO Maiden Stakes Race at Road To Triple Crown – na kapwa orihinal na naitakda nitong Marso 15 – Sa susunod na 15 linggo, pantay na makapagho-host ng tig-limang karera ang tatlong karerahan. May kabuung P34.5 milyon na inilaan ang Philracom sa kabuuan ng stakes races ngayong taon.

Ang pinakamalalaking stakes races na nakalinya ay ang Triple Crown Series (Oct 4. at  31, Nov. 29),  Ambassador Eduardo “Danding” M. Cojuangco Jr. Cup (Nov. 15) at Juvenile Championship (Dec. 13).  Annie Abad