ISA si phenomenal star Maine Mendoza na napili bilang awardee as Cosmo Women of Influence ng Cosmopolitan Philippines, @CosmoPh, dahil sa kanyang DoNation drive na tinulungan niya ang mga workers na hindi nakapagtrabaho dahil sa enhanced community lockdown simula pa noong March 15. Agad tumugon si Maine sa mga humihingi ng tulong, nagbigay siya ng P1,000 per household na siya ang personal na nag-asikaso na idinaan niya sa kanyang vlog para mapili ang more than 1,000 families na pinagkalooban niya at mula rin sa ibang donors, ng tulong. Ipi-nost din ni Maine ang full account niya kung saan napunta ang donations.

maine

Last August 31, nag-tweet si Maine ng “happy to share na na-distribute na ang Frontliner Protection Packages sa hospitals sa buong bansa! Kasama ng @ZonroxPh, kami po ay nagpapaZalamat sa ating bayaning frontliners na lumalaban sa pandemyang ito!

Together, we are stronger, the virus ends with US!”

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Sa video na pinost ni Maine, naroon ang mga pangalan ng hospitals na binigyan nila ng donations.

Nora Calderon