Matagalnang pinupuna ng bashers si Kris Bernal tungkol sa kanyang pangangatawan. Kita naman talagang petite siya kahit noon pa lamang kapapanalo niya sa StarStruck 4 pero ini-improve naman niya ang kanyang katawan sa pamamagitan ng pagwo-workout. Gayunman, tuloy pa rin ang bashings sa kanya, kaya napika na ang Kapuso star at kinompronta na ang body shamers.

kris

“Stop telling me to eat or what I should eat, you’re not my mother. I’m fed up with this kind of people that are trying to shame me into eating more. I won’t. I know my body better than you do. I’m no skin and bones! I am skin and muscles!” sagot ni Kris sa kanyang Instagram story.

Hindi naman kasi inililihim ni Kris sa kanyang social media accounts kung paano niya mini-maintain ang maganda niyang body figure sa pamamagitan ng regular workout routines. Ina-aasure din niya ang kanyang mga fans na ayon sa kanyang doctor ay perfectly healthy siya at sadyang natural nga lamang ang pagiging petite niya.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Sa ngayon, abala si Kris sa pagpapatakbo ng kanyang food business at sa pagba-vlog sa kanyang YouTube channel. Pero hindi nakakalimutan ni Kris ang pag-arte kaya nga tinanggap niya ang isang naiibang role sa fresh episode ng Wish Ko Lang sa Sabado, Agosto 29, na makakasama niya sina Biboy Ramirez at Ahron Villena, pagkatapos ng Tadhana sa GMA-7.

-Nora V. Calderon