HANDA na si top ranked ONE Championship female atomweight Denice “The Menace” Zamboanga sa nalalapit na bakbakan sa Bangkok, Thailand.

Zamboanga

Zamboanga

Sadsad na sa pagsasanay ang Pinay fighter sa Thailand habang hinihintay ang opisyal na pahayag sa pagbabalik ng aksiyon ngayong buwan o sa unang linggo ng Setyembre para sa ONE Circle.

Bunsod nang ipinapatupad na lockdown sa Manila dahil sa COVID-19 pandemic, napagdesisyunan ni Zamboanga na manatili na lamang sa Thailand para hasain ang sarili kasama ang nakatatandang kapatid na si Drex, at trainer na si Fritz Biagtan.

'Aapela raw!' John Amores 'di tanggap pagkawala ng professional license?

“Right now I’m just training here in Bangkok with my brother Drex and our friend Fritz Biagtan. I’m very lucky because I can still do what I love to do,” pahayag ni Zamboanga.

“I just want to stay ready, because anytime, I can get called up to compete now that ONE Championship is hosting events here in Thailand.”

Matagumpay na nailunsad angpagbabalik ng ONE Championship sa ginanap na ONE: NO SURRENDER nitong Hulyo 31. Nakatakda isagawa ang NO SURRENDER II at NO SURRENDER III sa Agostp 14 at 21, gayundin ang match up sa Bangkok sa 28 August, 11 September at 18 September.

“I really want to fight and compete, so I’m just waiting for that call from ONE Championship. Need to stay as sharp as possible, because the World Title shot is just around the corner,” sambit ni Zamboanga.

“Right now, I need to work on my speed. Speed is a great asset to have in the ring. Of course, I’m constantly working on my striking skills and ground game. Thankfully my brother is here to help me,” ayon sa 23- anyos na fighter.