GUMAGAWA ng pangalan sa musika si Michael Pacquiao, isa sa mga anak na lalake nina Sen. Manny Pacquiao at Jinkee Pacquaio at sa rap music magaling ang binata. Kaya naman proud sa kanya ang mga magulang.

michael pacquiao

Maraming supporters si Michael and in fact, ang track sa album niyang Hate na kinanta niya nang mag-guest sa Wish 107.5 ay umabot na sa 1 million ang views sa YouTube.

Release na rin ang album ni Michael na Dreams at maganda ang pagtanggap ng netizens sa kanyang album dahil na rin sa magaganda ang tracks sa album. Ang ganda siguro kung tutulong si Manny sa pagpu-promote ng album ng anak by doing a duet with Michael.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sa pagbisita namin sa Instagram page ni Michael, ibinalita nitong may ire-release siyang song sa September 1, 2020 na tila Angel ang title. Hindi lang kami sure kung kasama ito sa kanyang Dreams album o bagong composition.

-Nitz Miralles