USONG-USO ang pagpapakita ng kanilang baby bum among local celebrities. Ginawa ito ng Hollywood actress Demi Moore, for a pictorial cover ng Vanity Fair, years back. Nalathala ang maternity shoot ni Precious Lara Quigaman (kasama ang asawang si Marco at dalawang anak sponsored by Aprica brand) and it was shot in good taste. Unlike Anne Curtis na kamay lamang ang itinakip sa maselang bahagi ng kanyang katawan. Lara wore a Loungerie dress na lalo siyang naging sexy sa paningin ni Marco. Next month or early October ay nakatakdang magsilang si Lara sa pangatlong anak na lalaki. Seven years old na ang panganay na si Noah at two years old si Tobias.

precious at marco

Mas gusto ni Lara na Caesarian magsilang dahil hindi naging maganda ang naging karanasan sa unang pagbubuntis. Sa ganang kay Marco madagdagan man ng timbang si LARA. Matapos magsilang ay seksing sexy pa rin si Lara.

Huling napanood sa Kapamilya teleserye Bagani si Precious Lara.

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

Remy Umerez