Inamin ni Megan Young, sa latest episode ng podcast nila ng husband niyang si Mikael Daez na #BehindRelationshipGoals, na natatakot siya sa physical pain ng pagbubuntis, kasabay ng pangamba kung magiging mabuting ina siya sa kanilang magiging anak ni Mikael.

Pero madaling sinabi si Mikael na walang dapat ikatakot ang asawa dahil wala naman daw perpektong magulang at ang mahalaga ay matuto sila sa kanlang pagkakamali at mapalaki nang tama ang kanilang magiging anak.

“When it comes to a kid and raising him/her, we are gonna make so many mistakes because Ithink my parents, they went through so much craziness and your parents did too,” pag-alo ni Mikael kay Megan. “Idon’t know any couple who doesn’t go through the craziness.

“For me, that’s the beauty of life, you kinda go through it and you just enjoy it even with the ups and most especially with the downs. That’s just my headspace when it comes to that,” assurance pa ni Mikael sa asawa.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Meanwhile, nalalapit na rin ang pagbabalik-taping ni Mikael ng Love of My Life sa GMANetwork.

-NORA V. CALDERON