FOLLOW-UP ito sa nasulat namin dito sa Balita kahapon na tuloy na ang programa ni Kris Aquino na Love Life with Kris sa TV5 at kahapon din ginanap ang promo shoot sa TV5 studio mula sa direksyon ni Mark Meily.

Kris

Alas dos ng hapon dumating sina Kris sa TV5 at nagulat ang mga nakakita bagama’t limitado lang ang taong naroon for health protocols kaya hindi rin puwedeng magpa-picture sa kanya pero lahat ay kinunan siya ng video at litrato thru their cellphone.

Ang tinaguriang ‘hari’ ng TV5 na si Ginoong Raffy Tulfo ay sumilip sa studio kung saan nagso-shoot si Kris at winelcome ang Queen of All Media.

Events

Unica hija ng DongYan, nag-fan girling sa concert ni Olivia Rodrigo

Ang bilis talaga ng mga mata ni Kris dahil pinuri niya ang suot na sapatos ni Idol Raffy at sinabihan naman siya ng huli ng, “maganda ka sa personal.”

Smooth ang naging takbo ng photo shoot at lahat ng production staff ay nakasuot ng PPE o personal protective equipment at si Kris naman ay face mask at face shield at tinatanggal lang niya kapag kukunan na siya.

May mga alam na kaming konting detalye sa Love Life with Kris pero hindi pa puwedeng isulat dahil ipinagpapaalam pa namin sa producer ng show.

Give-away maganda ang line-up ng guests ni Kris sa show niya at maraming kakaiba na hindi pa nagawa sa past shows niya.

-REGGEE BONOAN