Matapos magtanim ng palay sa kanilang lugar sa Albay sa loob ng halos kalahating taon, nagpasya nang bumalik ng Metro Manila si world boxing champion Pedro Taduran bilang paghahanda sa pagbibigay ng go-signal sa muling pagsisimula ng professional boxing.

Naghihintay na lamang si Taduran ng basbas o pahintulot ng

Inter-Agency Task Force na magpatuloy ang ilang piling sports upang makapag-report na ito sa gym.

Kagagaling lamang ni Taduran sa bayan nito sa Linon, Albay, nitong nakaraang linggo.

Karl Eldrew Yulo, pamilya raw pinakamagandang regalong natanggap

Matatandaang binibisita lamang ng nasabing International Boxing Federation minimumweight titlist ang mga magulang nito nang ipatupad ang lockdown, ilang buwan na ang nakararaan.

Sa gitna ng lockdown, tinulungan na lamang nito ang kanyang ama na magtanim ng palay upang hindi ito mawala ang kanyang kondisyon.

-Nick Giongco