Nakipagpulong ang Philippine Sports Commission (PSC) sa National Sports Associations (NSAs) mula nitong nakaraang Lunes upang talakayin ang ilalatag na training resumption guidelines bilang paghahanda sa pagsabak sa Tokyo 2021 Summer Olympic Games.
Inumpisahan ng mga heaalth professional mula sa PSC-MSAS (Medical Scientific Athletes Services) unit ang pakikipagpulong sa sa NSAs niing Hulyo 21 upang pag-usapan ang updated protocol at minimum health standards ng training venues.
Ang pagpupulong ay itinakda hanggang sa Hulyo 29.
“The PSC recognizes that our Olympic hopefuls need to maintain momentum and they do that by going back to focused training,” paliwanag naman ni National Training Director Marc Velasco.
Kinakatawan ni Secretary- General Attorney Edwin Gastanesang Philippine Olympic Committee (POC) sa ginanap na pakikipagpulong kina Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) Secretary- General Ed Picson, Philippine Fencing Association (PFA) President Richard Gomez, at Secretary-General Jercyl Lerin ng Philippine Rowing Association (PRA).
Dumalo naman sa pagpupulong ang mga NSA official mula sa World Archery Philippines, Inc na kinakatawan nina Secretary-General Rosendo Sombrio, Atty. Billy Sumagui , sec-general of the Integrated Cycling Federation of the Philippines, Director for Operations Butch Antonio at Coach Jong Uichico ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP), nitong Hulyo 22.