Walang Aga Muhlach na mapapanood ngayong Metro Manila Film Festival 2020 dahil sa 2021 na raw siya muli gagawa ng pelikula at kung maayos na at may bakuna na para sa COVID-19.

aga

Kinukuha kasi si Aga ng kilalang movie outfit para sa MMFF 2020 kasama sana ang kilalang aktres na nakasama na niya rati sa isang pelikula sa Star Cinema, pero magalang itong tinanggihan ng aktor.

Base sa pahayag ng manager niyang si Ms Ethel Ramos ay gustung-gusto ni Aga ang alok ng movie outfit dahil gusto rin niyang makatrabaho sila lalo’t pawang award winning ang mga pelikulang nagawa nila, pero wala sa plano ng aktor ang magtrabaho ngayong taon.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Kasalukuyang nasa vacation house nila sa Batangas si Aga kasama ang asawang si Charlene at kambal nilang anak na sina Atasha at Andres at hindi raw sila lumalabas ng kanilang bakuran dahil sa banta ng COVID-19!pandemic.

Ang Miracle in Cel No 7 angnentry ng Viva Films sa 2019 Metro Manila Film Festival n talaga namang tumabo sa takilya.

-REGGEE BONOAN