IPINAGDIWANG ni Southeast Asian Games two-time triathlon gold medalist Nikko Huelgas ang ika-29 taong kaarawan sa isang ispesyal na gawain sa panahon ng COVID-19 pandemic.

huelgas

Kabuuang 200 packed Chooks-to-Go meals ang ipinamahagi ni Huelgas, Chairman din ng Philippine Olympic Committee (POC) Athletes’ Commission, para sa frontliners sa kanyang komunidad sa Las Piñas City community nitong weekend.

Taon-taon ay nagsasagawa ng ganitong programa si Huelgas, ngunit higit na ramdam niya ang kasiyahan dahil sa kasalukuyang sitwasyon na pinagdaadaanan ng bawat Pinoy.

National

Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

"Lahat tayo apektado ngayong pandemya. Kaya ngayong kaarawan ko, naisipan kong mamahagi ng saya at kalusugan kasama ng Chooks-to-Go," pahayag ni Huelgas.

Personal na isinagawa ni Huelgas ang pamimigay ng pagkain sa mga frontliners at mga palaboy sa mga lansangan.

"Araw-araw ko silang nakikita na kahit umulan man o umaraw, hindi sila tumitigil sa pagtulong sa amin dito sa Las Piñas. Maliit lang na tulong ito kumpara sa serbisyo na ginagawa nila para sa bayan," sambit ni  Huelgas.

"Salamat sa Chooks-to-Go at kay Boss Ronald Mascariñas sa suporta na binigay niya in this drive,” aniya.  Annie Abad