WALA sa plano ni Richard Yap ang pasukin ang showbiz. Gumawa siya ng commercial noon at inalok mag-artista. Hinikayat siya ng asawa at anak na subukan and leave kung hindi niya maibigan. Ipinakilala siya sa Be Careful With My Heart which was a big hit at nakilala as sir chief.
Early last year ay nag-expire ang kanyang kontrata at sa pag-guesting niya sa ‘Judgmental segment ‘ng Eat Bulaga. Lumutang ang balitang nag ober-da-bakod na ang actor. True or false?
Sa totoo lang may mga negosyo si Richard at isa dito ay ang restaurant along Morato Quezon City. Puwede niyang lisanin ang showbiz na walang pangambang magugutom ang kanyang pamilya.
But then again, napamahal na sa aktor ang showbiz. Maghintay na lang tayo sa magiging desisyon mula sa iginagalang na aktor.
-REMY UMEREZ