Mahilig magluto si Kapuso actress Andrea Torres at ang kanyang Mommy Emerita, kaya naman ngayong pare-pareho silang naka-quarantine dahil walang work, naisipan nilang gamitin ang kaalaman nila sa pagluluto to start a business. Sinimulan na nila ang Family Favorites, na online selling.

derek at andrea

Kuwento ni Andrea, nagpasya muna sila ng mommy niya kung ano ang ibebenta nilang food online. At dahil sanay na nga sila ng family nila na kumain ng luto ni Mommy Emerita, hiningi nila ang approval sa bawat lutuin nila, sa boyfriend na si Derek Ramsay at ng family nito. Sila ang tagatikim ng pagkain at kung ano ang i-approve nila iyon ang ilalagay sa online.

“My Mom and I love cooking, especially for other people,” sabi ni Andrea. “We believe in the magic of good food – how it instantly uplifts your mood or make togetherness more memorable. Matagal ko nang gustong magsimula ng food business para kay Mommy pero mahirap humanap ng location. So, noon pa nag-try na kaming selling in bazaars during Christmas season at maganda naman ang feedback, na kung minsan nauubusan din kami ng stocks kaya kailangang magluto ulit ako.”

Teleserye

Buong produksiyon ng 'Batang Quiapo,' pina-drug test ni Coco

Kaya habang hinihintay pa nina Andrea at Derek ang pagsisimula ng action-drama series nila sa GMA Network, dito na muna siya sa online selling with her Mom.

-NORA V. CALDERON