“VOLUNTEER firefighter” ang status ni Wendell Ramos na isa nang bumbero pagkatapos mag-training sa ilalim ng Ang Bumbero ng Pilipinas (ABP) at ang ibig sabihin, walang suweldo ang Kapuso actor at leading man ng Prima Donnas.

wendell

Mabuti na lang at active pa sa showbiz si Wendell at nagbibida pa nga sa teleserye at nabanggit nito sa isang interview na nakaipon siya, kaya hindi masyadong naapektuhan ang aspektong pinansyal sa panahon ng Covid-19 pandemic. Hindi siya magdedepende sa suweldo ng pagiging bumbero, pero siguro naman may allowance siya lalo na kung sumasama sa pag-apula ng mga sunog.

Gaya nang nangyaring sunog sa pabrika ng electronics sa Valenzuela City na first duty ni Wendell bilang bumbero. Humawak siya ng hose at tumulong sa pag-apula ng apoy na tumagal ng mahabang oras.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Kasama pala sa bucket list ni Wendell ang maging bumbero at nasa listahan din niya ang army at policeman. Nauna niyang natupad ang maging bumbero, puwedeng-puwede pa siyang humabol na pumasok sa army at policeman.

Naisip lang namin, paano kaya halimbawang nasa sunog si Wendell at biglang may lumapit na fan at mag-request ng selfie o kaya’y kunan siya ng litrato. Pagbigyan kaya ng actor-turned fighter ang fan?

-Nitz Miralles