April 13, 2026

Home SHOWBIZ Tsika at Intriga

Matapos mahimatay sa gig: Xian Gaza, pinagsabihan si Gigi De Lana

Matapos mahimatay sa gig: Xian Gaza, pinagsabihan si Gigi De Lana
Photo courtesy: Christian Albert Gaza/FB, Gigi De Lana/FB


Nagbahagi ang social media personality na si Xian Gaza ng ilang mensahe para sa singer na si Gigi De Lana, matapos ang napaulat na pagkaka-collapse nito sa isang gig niya sa Samal Island City, lalawigan ng Davao Del Norte kamakailan.

MAKI-BALITA: Gigi De Lana, nag-collapse sa kaniyang gig sa Samal Island-Balita

Sa ibinahaging Facebook post ni Xian noong Lunes, Marso 9, inilahad niyang alam niya umano na may sakit si Gigi.

“Gigi, alam kong may sakit ka. May serious health condition ka. Kompirmd from multiple sources. Hindi ko na lang i-specify kung anu-ano yung mga karamdaman mo at baka makasuhan pa yung doktor mo. Mga artistang nagpalaglag nga alam ko, sakit mo pa kaya?” saad ni Xian.

Aniya, “Pero hindi natin pwedeng sisihin na lang palagi yung mga sakit mo. Paano na lang yung mga taong nagbayad para mapanood ka? Ganun ganun na lang ba 'yon? Aba'y hindi biro kumita ng pera sa panahon natin ngayon. Sobrang hirap ng buhay.”

Giit pa niya, huwag na raw sumagad si Gigi kung alam naman daw nitong mahina ang katawan niya.

“Kung alam mo palang mahina yung katawan mo, huwag kang sumagad. Responsibilidad mo yun. Magpahinga ka many days before your event. Kasi kung palagi ka na lang magco-collapse, wala ng manonood sayo. Wala ng bibili ng ticket sa mga shows mo. Gusto mo ba 'yon?” ani Xian.

Nagbigay rin ang social media personality ng ilang mensahe para sa mga netizens na umano’y nagsasabing sinasadya ni Gigi ang tila pagbulagta nito.

“Doon naman sa mga nagsasabi na sinasadya niyang himatayin para hindi matapos yung concert, please lang, huwag kayong tang[a]. Walang music artist ang gagawa niyan kasi masisira yung career niya. Mawawalan siya ng source of income. Doon naman sa mga nagsasabi na sana sumunod na siya sa kanyang ina, may balik yan, maniwala kayo sa akin. Matinding kamalasan sa inyong buhay,” anang social media personality.

“Ano yung lesson na mapupulot natin dito? Minsan, sa kagustuhan nating kumita ng malaking pera, inaabuso natin yung limitasyon ng ating katawan. And by doing so, hindi natin namamalayan, mas lumalayo tayo sa ating mga pangarap. A reminder to take care of our health while working hard. Kasi kapag katawan mo na ang mismong bumigay, kawawa ang mga mahal mo sa buhay,” pagtatapos niya.

Base naman sa kumpirmasyong inilahad ng Tritone Entertainment kamakailan, nasa maayos nang kalagayan si Gigi.

“To everyone who has been sending messages and asking about Gigi, thank you so much for your love and concern. After her performance last night in Samal Island City, Davao Del Norte, Gigi experienced extreme fatigue and briefly passed out after her final song. She was given immediate attention and care, and we’re grateful to share that she is now safe, stable, and currently resting,” saad ng Tritone Entertainment sa kanilang Facebook post kamakailan.

Vincent Gutierrez/BALITA