MALALIM ang ugat sa usapin ng discrimination at maging si Tokyo Olympic-bound pole vaulter EJ Obiena ay nakaranas nito sa bansa na itinuturing niyang ikalawang tahanan.
Ayon sa 23-anyos na si Obiena, hindi pa man pumuputok ang COVID-19 pandemic sa buong mundo, nararamdaman na niya ang kakaibang pagtrato sa kanyang pagkatao sa Italy.
"Before the lockdown, I already feel this weird thing. I don't look Italian. I don't look Filipino. I look half Chinese. When they see me, I see people trying to avoid me,” pahayag ni Obiena sa programa ng Sports Lockdown.
Aniya, naga-alala ang kanyang mga magulang sa kanyang sitwasyon sa nasabing bansa, bunsod ng galit ng mga locals sa Chinese. Nagsimula sa Wuhan, China ang naturang virus at kumalat sa buong mundo sa nakalipas na tatlong buwan. Isa ang Italy sa may pinakamataas ang kaso ng COVID-19 sa buong mundo.
"My parents got worried about me, because most of the Chinese looking guys all over the world have experienced harassment from others. I feel a little bit weird. I just have to live through it, because I'm a guy with a foreign blood. Luckily I live in a very nice place here down South. And most of the people here are very kind, " ayon kay Obiena.
Gayunman, nalampasan din umano niya ang hirap nang abutin ng lockdown sa Italy at ang kanyang buong pamilya ay narito sa Pilipinas.
"Honestly I really want to go home now. If only I could fly, I would. But I have a responsibility to do here. So I guess I just have to wait for the right time," aniya.
Plano niyang lumahok sa PATAFA National Open sakaling maituloy sa Disyembre.
Sa kasalukuyan, ayon kay Obiena, ay unti-unti nang bumabalik sa bormal ang lahat sa Italya bagama't may ilang alituntunin pa rin silang sinusunod.
"We're slowly getting back to normal here. But of course we still wear masks and some other guidelines that they have implemented. But I have started training already," aniya.
Nangako naman si EJ na gagawin ang lahat ng kanyang makakaya upang mabigyan ng karangalan ang bansa sa 2021 Tokyo Olympics.
"I don't want to give any forecast but definitely I will try my best to bring home a medal. That is why I am here," pahayag ni Obiena. ANNIE ABAD