NAGLULUKSA ang sports community sa pagpanaw nina sports ‘Godfather’ Eduardo ‘Danding’ Cojuangco at basketball player Junel Mendiola nitong Miyerkoles.

DANDING

DANDING

Sa edad na 85, itinuturing haligi ng Philippine basketball si Cojuangco, chairman ng San Miguel Corporation na may apat na koponan sa PBA, at sponsors sa collegiate league, partikular sa La Salle.

Nagsilbing team manager ng Northern Cement basketball team na siyang kumatawan sa bansa sa international competition sa dekada 80, namayagpag ang Philippine Team, sa coach ni American coach Ron Jacobs, sa paggabay ni Cojuangco.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Nagkampeon ang Cojuangco-backed National Team na kinabibilangan nina  Hector Calma, Chip Engelland, Samboy Lim at Allan Caidic sa 1981 at 1985 Jones Cup,1985 PBA Reinforced Conference,  1981 at 1985 SEA Games, 1982 ABC Juniors Championship at 1985 ABC Championship.

Kabilang sa mga nakamit na karangalan sa PBA ni Cojuangco ang 1989 Grand Slam ng San Miguel Beer sa ilalim ni coach Norman Black at San Mig Coffee Mixers’ 2014 Grand Slam sa ilalim ni coach Tim Cone.

Naratay naman sa ospital ang 45-anyos na si Mendiola, dating Purefoods player at collegiate standout. MARIVIC AWITAN