KASAMA sa paghahanda ng mga atleta sa pagbabalik ‘normal’ sa sector ng sports ang maging handa at may malusog na pangangatawa upang masiguro na hindi mapagiwanan.

"I always watch everything I eat and drink especially after what happened to me a couple of years ago," pahayag ni PBA star Kiefer Ravena, patungkol sa kontrobersyal na kinasangkutan na naging dahilan sa pagkasuspinde ng isang taon sa FIBA.

"Being an athlete of my age, I need to watch what I eat to help extend my career," sambit naman ni Gabe Norwood.

“And I need to teach my kids as well the importance of proper nutrition,” ayon sa 12-year Gilas veteran.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sa pagkain,nagkakaisa sina Norwood at Ravena na ibilang sa hapag kainan ang masustansiyang manok at isa lamang kanilang pinagkakatiwalaan – ang  Bounty Fresh.

Tanging ang Bounty Agro Ventures Inc., nangangasiwa sa Bounty Fresh – ang natatanging poultry integrator sa bansa na hindi gumagamit ng antibiotics para sa pangangalaga sa mga manok mula sa unang araw ng mga sisiw.

"We pride ourselves in serving the Filipino people with chickens that have zero antibiotics in it. From our live to dressed to Chooks-to-Go and Uling Roasters, not even a speck of antibiotics can be found in them," sambit ni  BAVI president Ronald Mascariñas.

Bilang bahagi ng pakikiisa para maihatid sa sambayanan ang mapagkakatiwalaang manok, kapwa nangangasiwa ang dalawa ng sariling Chooks-to-Go branches.

"I only want to serve the best and the best means something that I can also serve to my parents and myself. That is why I can look anyone straight in the eye and say that I always eat the same chicken I serve in my Chooks-to-Go store," ayon kay Ravena.  EDWIN ROLLON