MAS maraming sports activities ang inaasahang mapapayagan na sa papagsasailalim ng Metro Manila sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ).
Bago nailagay sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang Metro Manila at ang buong Luzon, kinansela ng Philippine Sports Commission (PSC) ang mga sporting events sa ilalim ng kanikang pamamahala, kung saan kahit na anong uri ng aktibidades na may kinalaman sa sports ay hindi rin pinayagan.
Kung sa MECQ, bukod sa jogging, maaari nang payagan ang mga outdoor activities kagaya ng biking kasama na rin ang ilang non- contact sports gaya ng swimming, tennis, badminton, equestrian at skateboarding.
Ito ay ayon sa guidelines na ipinalabas ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF).
Ito ay base na rin sa mga guidelines na isinumite ng PSC sa IATF na kanila namang hiningi sa mga National Sports Associations (NSAs). ANNIE ABAD