SAKRIPISYO sa sambayanan ang ipinatupad na Enhanced Community Quarantine (ECQ), higit ang limitadong galaw dahil sa social distancing bilang pag-iwas sa tiyak na hawaan ng mapamuksang COVID-19.
Ngunit, ang modernong teknolohiya at on-line platform tulad ng Shopee ay tapik sa balikat ng Pinoy para matinghaw ang pangangailangan sa mga essential na produkto sa madaling pamamaraan.
Tunay na naging sandigan ng sambayanan ang Shopee, tampok ang in-app entertainment features na Shopee Farm at Shopee Shake. Sa nakaraan na buwan, nakalikom ito ng mataas na numero dahil sa pag log-in ng mga tao upang mamili at maglaro.
- 70% na pagtaas sa paglalaro ng Shopee Farm, isang social interactive in-app na laro kung saan makaka-ipon ng espesyal na rewards ang manlalaro tuwing mag-log in siya para madiligan ang mga virtual niyang halaman.
- Mas marami ng higit pa sa 4X ang manlalaro sa all-time favorite Shopee Shakedahil sa regular na paglog-in ng mga manlalaro para makaipon ng Shopee coins.
Higit pa dito, mas maraming mamimili ang tumututok sa Shopee Live bilang libangan. Dito, nakatala sila ng halos 30 milyon na views sa loob ng isang buwan. Ang Shopee Live ay nagiging popular sa Pinoy na nasa edad 18 hanggang 50 taong gulang pagdating sa iba’t ibang klase ng palabas.
“Shopee will continue to meet the evolving needs of Filipinos as the Covid-19 situation develops. As people stay home and increasingly rely on e-commerce for their daily needs, Shopee has continued to improve our platform and introduce new features to engage our users better. Shopee 6.6 Super Flash Sale builds on our efforts as we introduce two new in-app games for Filipinos to enjoy and deliver more deals and promotions from trusted brands. We will continue to connect with our users in a way that is fun, positive, and uplifting,” pahayag ni Ruoshan Tao, Head of Marketing ng Shopee Philippines
Maaring antabayanan ng mga Shopee users ang mas maraming palaro tulad ng dalawang bagong laro sa loob ng app. Sa paparating na Shopee 6.6 Super Flash Sale, puwedeng makalikom ng mas maraming puntos at coins ang mga tao gamit ang dalawang bagong laro ng Shopee.
Ang Shopee Claw ay nahanay sa arcade game kung saan ang claw ay gagamitin para makasukbit ng mga premyo. Sa Shopee Poly, gagamitin ang manlalaro ng dice para malaman kung ilang hakbang ang kukunin niya. Dito rin matutukoy kung madadagdagan o mababawasan sila ng puntos. Ang parehong palaro ay puwede makalikom ng puntos at coins.
Ang Shopee 6.6 Super Flash Sale ay magaganap mula Mayo 18 hanggang Hunyo 6. Dito maaaring ma-enjoy ng mga mamimili ang flash-deals sa mababang presyo na ₱6 araw-araw at 50% na discount. Abangan rin ang mga eksklusibong deals and discounts galing sa mga premium brands tulad ng Wyeth, Unilever Beauty, Shigetsu, L’Oreal Paris, Maybelline, P&G Home, and Nestle.
Para makasali, I-download ang Shopee ng libre sa App Store o Google Play.