KAUGNAY ng kanyang pangarap na makapaglaro sa NBA, kinuha ng management team ng Filipino youth basketball sensation na si Kai Sotto ang batikang sports agent na si Aaron Goodwin upang magsilbing NBA agent-representative.

PINANGUNAHAN ni Bounty Agro Ventures Incorporated (BAVI) president Mr. Ronald Mascarinas (gitna) ang jump ball sa pagitan nina Kai Sotto (kaliwa) at Jalen Green sa ginanap na 2019 Chooks NBTC Division 1 All-Star Game. Ang 7-foot-2 na si Sotto at ang 6-foot-8 na Fil-Am ay magkasanggang lalaro sa NBA G-League.

PINANGUNAHAN ni Bounty Agro Ventures Incorporated (BAVI) president Mr. Ronald Mascarinas (gitna) ang jump ball sa pagitan nina Kai Sotto (kaliwa) at Jalen Green sa ginanap na 2019 Chooks NBTC Division 1 All-Star Game. Ang 7-foot-2 na si Sotto at ang 6-foot-8 na Fil-Am ay magkasanggang lalaro sa NBA G-League.

Base sa naunang pahayag, opisyal na inanunsiyo ng management team ni Sotto na East West Private (EWP) ang pagkuha nila kay Goodwin.

"From the time Kai first arrived in the U.S. last April, we already knew that AG would be a perfect fit. We trust AG implicitly and look forward to a long lasting relationship," pahayag ng kinatawan ng EWP na si  Patty Scott.

Libreng toll fee sa NLEX,SCTEX at iba pang expressway, ipatutupad sa Pasko at Bagong Taon

Ang pagsasanib puwersa ng EWP at ni Goodwin para kay Sotto ay hindi na bago sa sports industry dahil kilala na sila sa loob ng mahigit isang dekada.

Base sa kanilang napagkasunduan, magtutulungan ang EWP at si Goodwin na ma-develop ang basketball career at mapangalagaan ang business side ni Sotto.

"We're not just building dreams here. We want to create a legacy that will see Kai becoming an NBA player, and ultimately, an All-Star," ani Maria Espaldon ng EWP.

Para naman kay Goodwin, inihahalintulad nito si Sotto kay Toni Kukoc dahil sa abilidad nitong lumaro sa loob at labas ng shaded area, pumasa at magdala ng bola at tumira ng tres.

Inaasahang malaki ang maitutulong ni Goodwin kay Sotto gaya ng nagawa nito sa kanyang mga naging kliyente tulad nina LeBron James, Kevin Durant, DeMar DeRozan, Chris Webber, Dwight Howard, Gary Payton at Damian Lilliard.  MARIVIC AWITAN